Idinaos kagabi, Marso 4, 2022, sa National Stadium sa Beijing, Tsina, ang seremonya ng pagbubukas ng Beijing 2022 Winter Paralympics.
Dumalo sa seremonya si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at ipinatalastas niya ang pagsisimula ng paralimpiyada.
Nagtalumpati naman sa seremonya si Andrew Parsons, Presidente ng International Paralympic Committee, at binigyan niya ng mataas na pagtasa ang paghahanda ng panig Tsino para sa palarong ito.
Si Li Duan, atletang Tsinong bulag at paralimpikong kampeon sa long jump at triple jump noong Athens 2004 at Beijing 2008, ang nagsindi ng Paralympic cauldron. Matapos ang ilang pagsubok, sa sigaw at palakpakang nagbibigay lakas loob mula sa mga manonood, inilagay niya ang sulo sa gitna ng malaking snowflake cauldron. Pagkatapos nito, inangat ang cauldron sa tuktok ng istadyum.
Sa mga 800 tagapagtanghal sa seremonya ng pagbubukas, 30% ay mga may kapansanan. Ipinakita nila ang pagsisikap para sa isang mas inklusibong lipunan.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
[Beijing 2022 Winter Paralympics] Apoy ng Beijing Winter Paralympics, manggagaling sa siyam na lugar
Paglalakbay ng apoy ng Beijing 2022 Winter Paralympic Games, sinimulan
Paghahanda para sa Beijing 2022 Winter Paralympics, halos ayos na
Paralympic Heritage Flame para sa Beijing Winter Paralympics, sinindihan