Sa pulong ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa kalagayan ng Ukraine Martes, Abril 5, 2022, binigyang-pokus ang walang-habas na pagpaslang ng mga sibilyan sa Bucha.
Ipinagdiinan ng pirmihang kinatawan ng Tsina sa UN na ang pagpapahupa ng kalagayan sa Ukraine at pagsasakatuparan ng tigil-putukan sa lalong madaling panahon ay pangkagipitang pananabik ng komunidad ng daigdig, at hangarin ng panig Tsino.
Tinukoy ng kinatawang Tsino na ang anumang akusasyong may kinalaman sa insidente ng Bucha ay dapat nakasandig sa katotohanan, at bago gawin ang konklusyon, dapat magtimpi ang iba’t-ibang panig, at iwasan ang walang batayang pagbatikos.
Magkaiba ang bersyon ng Rusya at Ukraine hinggil sa insidente ng Bucha.
Inakusahan ng pamahalaan ng Ukraine ang mga sundalong Ruso bilang may kasalanan sa nasabing pamamaslang.
Pero buong tatag namang pinabulaanan ito ng panig Ruso.
Sinabi nitong ang umano’y mga “ebidensyang kriminal” na lumitaw pagkaraang umurong ang tropang Ruso ay niluto lamang ng panig Ukrainian para sa mga kanluraning media.
Dahil magkaiba ang paliwanag ng kapuwa panig, dapat ipadala ng UN ang independiyente’t obdyektibong delegasyon sa Ukraine, para mag-imbestiga.
Subalit walang pasensiya ang Amerika at ilang bansang kanluranin na hintayin ang resulta ng imbestigasyon, at inilunsad kaagad ang serye ng mga aksyong nakatuon sa Rusya.
Sa katunayan, tinukoy ng ilang tagapag-analisa na naganap ang insidente sa Bucha sa panahong may positibong progreso ang talastasan ng Rusya at Ukraine, at di-maaaring maalis ang posibilidad na inilagay ng mga puwersang tumututol sa pagwawakas ng sagupaan ang hadlang sa talastasan.
Ang dapat gawin ng komunidad ng daigdig ay isagawa ang independiyente’t obdyektibong imbestigasyon, kasabay ng mas masipag na pagpapasulong ng talastasang pangkapayapaan, tigil-putukan, at pundamental na iwasan ang makataong sakuna.
Salin: Vera
Pulido: Rhio