Amerika, dapat ipaliwanag ang biomilitary na aktibidad sa Ukraine - Tsina

2022-04-08 18:24:32  CMG
Share with:

Sa pulong ng Komite ng Paghahanda para sa Ika-9 na Pulong ng Pagsusuri sa Biological Weapons Convention (BWC) na idinaraos ngayon sa Geneva, Swizerland, inakusahan ng Rusya na ang biomilitary na aktibidad na isinagawa ng Amerika sa Ukraine ay lumabag sa BWC. Samantala, binatikos ng Amerika ang Rusya sa pagkakalat ng maling impormasyon.

 

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Abril 7, 2022, sa preskon, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ayon sa BWC, mayroong karapatan ang Rusya na usisain ang pagsunod ng Amerika sa kumbensyon, at may obligasyon ang Amerika na ipaliwanag ang mga bagay hinggil dito, at sa huli, hatulan ito ng komunidad ng daigdig.

 

Hinimok ni Zhao ang Amerika na dapat gawin ang konkreto at komprehesibong pagpapaliwanag hinggil sa biomilitary na aktibidad nito, at itigil ang pagtutol nito sa pagtatatag ng multilateral na sistema ng pagsusuri, para bumalik ang kompiyansa ng komunidad ng daigdig sa pagsunod ng Amerika sa BWC.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac