Ipinatalastas kamakailan ng Pamahalaang Amerikano ang ika-3 beses na pagbebenta ng mga sandata sa Taiwan na nagkakahalaga ng halos $95 milyon sapul nang manungkulan si Joseph Biden bilang Pangulo ng Amerika.
Ang aksyong ito ay lumabag, hindi lamang sa mga tadhana ng 3 magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, kundi sa mga pangako ni Pangulong Biden hinggil sa isyu ng Taiwan.
Ito rin ay nagsambulat ng pakana ng Amerika sa panggugulo sa kalagayan ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits.
Kaugnay ng Taiwan Relations Act, ito’y isang domestikong batas ng Amerika na hindi kayang baguhin ang mga tadhana ng mga komunike sa pagitan ng Tsina at Amerika. Sa magkasanib na komunike na nilagdaan ng Tsina at Amerika noong Agosto 17, 1982, ipinatalastas ng Amerika na unti-unting babawasan ang bolyum ng mga sandata na ibinenta sa Taiwan at sa bandang huli, malulutas ang isyu ng pagbebenta ng mga sandata sa Taiwan.
Samantala, ang presyo ng mga sandata na ibinenta ng Amerika sa Taiwan ay mas mahal sa normal na presyo. Hindi magdudulot ang mga sandata ng kapayapaan ng Taiwan, bagkos ay nakakalikha ng malaking kapakanan para sa mga bahay-kalakal ng Amerika.
Ang Taiwan ay isang di-maihihiwlay na bahagi ng Tsina. Ito’y komong palagay na kinikilala ng buong daigdig. Ang kapayapaan ng Taiwan ay nakabatay sa mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits, sa halip ng mga sandata mula sa Amerika.
Nitong nagdaang Pebrero, ipinasiya ng Tsina na isagawa ang sangsyon sa dalawang bahay-kalakal ng Amerika na matagal nang lumahok sa pagbebenta ng mga sandata sa Taiwan. Ito’y nagpapakitang gagamitin ng Tsina ang anumang kinakailangang hakbaingin para pangalagaan ang kabuuan ng teritoryo at soberanya ng bansa.
Salin: Ernest
Pulido: Mac