Sa aktibidad kahapon, Abril 8, 2022, para gawaran ng gantimpala ang mga yunit at indibiduwal na nagbigay ng kapansin-pansing ambag sa Beijing 2022 Winter Olympic at Paralympic Games, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa pamamagitan ng matagumpay na pagdaraos ng mga palarong ito, nagbigay ang Tsina ng mensahe ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pag-asa sa daigdig sa harap ng maraming hamon.
Tinukoy ni Xi, na 0.45% lamang ang COVID-19 positive rate sa loob ng closed-loop ng mga palaro. Sa pamamagitan nito aniya, nagbigay ang Tsina ng kapaki-pakinabang na karanasan para sa pagharap sa pandemiya sa panahon ng pandaigdigang kaganapan.
Pinasalamatan din ni Xi ang lahat ng kalahok sa mga gawaing may kinalaman sa Beijing Winter Olympics at Paralympics. Aniya, ang ipinakita nilang pagkakaroon ng malawakang pananaw, pagiging bukas at nagtitiwala sa sarili, lakas-loob sa pagharap sa mga hamon, paghahangad na maging perpekto, at magkakasamang paglikha ng mas magandang kinabukasan, ay mga mahalagang diwang iniwan ng mga palarong ito.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos