COVID-19 sa Shanghai, tiyak na malapit nang makontrol

2022-04-12 15:15:06  CMG
Share with:

Kaugnay ng kasalukuyang outbreak ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Shanghai, lunsod sa dakong silangan ng Tsina, ipinahayag nitong Abril 11, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubos na pinahahalagahan ng sentral na pamahalaan ng Tsina at mga lokal na pamahalaan sa iba't ibang antas ang epidemiya sa Shanghai, at ipinadala na ang maraming tauhang medikal, boluntaryo at materyal para tulungan ang Shanghai.

 

Sinabi ni Zhao na tiyak na malapit nang makontrol ang COVID-19 sa Shanghai.

 

Kaugnay ng kasalukuyang patakaran ng Tsina sa pagkontrol at pagpigil sa COVID-19, ipinahayag ni Zhao na sa kasalukuyan, patuloy na kumakalat ang COVID-19 sa buong daigdig, at batay sa prinsipyong “unahin ang mga mamamayan,” isinasagawa ng Tsina ang “dynamic zero-COVID policy.”

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac