Dapat pangalagaan ng NATO ang kapayapaan ng daigdig sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon - Tsina

2022-04-12 15:17:49  CMG
Share with:

Batay sa mga artikulo na lumabas kamakailan, ipinalalagay ng mga tauhan ng estratehikong sirkulo ng Europa na ang Amerika at ibang mga bansang kanluranin ang may responsibilidad sa sagupaan ng Russia at Ukraine.

 

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Abril 11, 2022, sa preskon, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na patuloy na hinahadlangan ng Amerika ang kapayapaan, na lalo pang nagpalala sa kalagayan.

 

Tinukoy ni Zhao na kaugnay ng krisis ng Ukraine, palaging nagsisikap ang Tsina para pasulungin ang mapayapang talastasan. Bilang organisasyong labi ng Cold War, dapat magbago ang North Atlantic Treaty Organization (NATO), sundin ang agos ng kapayapaan, kaunlaran at kooperasyon, at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon at buong daigdig sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac