Pamahalaang Ruso, magdaragdag ng reserbang pondo: pangulo ng Ukraine, umaasang malulutas ang sagupaan sa diplomatikong paraan

2022-04-11 14:23:51  CMG
Share with:


 

Ayon sa impormasyong inilabas kahapon, Abril 10, 2022 sa website ng Pamahalaang Ruso, magdaragdag ang bansa ng halos 273.4 bilyong Russian Rubles upang maigarantiya ang katatagan ng kabuhayan, sa kondisyon ng dayuhang sangsyon.

 

Samantala, sa video na inilabas nang araw ring iyon sa social media ni Pangulong Volodymyr Zelensky ng Ukraine hinggil sa panayam sa kanya ng media ng Amerika, sinabi niyang hindi nawawalan ng pag-asa ang Ukraine na malulutas ang sagupaan sa diplomatikong paraan.

 

Pero, binigyang-diin niyang dapat matugunan ang lahat ng mga kahilingan ng Ukraine.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio