Pangulong Tsino, naglakbay-suri sa Yangpu Economic Development Zone sa Lalawigang Hainan

2022-04-13 12:35:39  CMG
Share with:

Naglakbay-suri nitong Martes, Abril 12, 2022 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Yangpu Economic Development Zone ng lunsod ng Danzhou, Lalawigang Hainan sa timog Tsina.

 


Ang nasabing sona ay unang sonang pangkaunlaran sa antas ng estado na pinamumuhunanan ng banyagang mangangalakal, at nagtatamasa ng mga patakaran ng bonded area.

 


Noong 2021, umabot sa 43.66 bilyong yuan RMB ang Gross Regional Product (GRP) ng sonang ito, at ito ay lumaki ng 34.2% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

 


Naisaoperasyon sa Yangpu port ang 39 na linya ng kalakalang panloob at panlabas, na sumasaklaw sa mga baybaying dagat sa loob ng bansa at mga pangunahing puwerto sa Timog-silangang Asya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac