Op-Ed: Ang Tsina ay tunay na kaibigan ng Pilipinas

2022-04-13 17:47:15  CMG
Share with:


Kamakailan, madalas ang pagpapalagayan ng mga pamahalaan ng Tsina at Pilipinas. Halimbawa, noong Abril 3, bumisita sa Tsina si Secretary Teodoro Locsin Jr. ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas para kausapin si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina. Noong Abril 8, nag-usap sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas.


Sa kasalukuyan, kritikal pa rin ang epidemiya ng COVID-19 sa buong mundo at masalimuot ang kalagayang pandaigdig. Bilang tugon sa mga hamon na dulot ng epidemya at kalagayang pandaigdig, kailangan ng dalawang bansa na panatilihin ang mainam na pag-uugnayan at pagtutulungan.


Sa kanilang pag-usap sa telepono, binanggit ni Pangulong Xi na sariwa pa sa alaala niya ang unang pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Tsina noong 2016. Sinabi ni Xi na ang nasabing pagdalaw ni Duterte ay nagdurog ng yelo o ice-breaking at isang milestone sa kasaysayan ng relasyon ng dalawang bansa.


Ipinahayag naman ni Pangulong Duterte na lubos na pinahahalagahan niya ang pagkakaibigan at magandang relasyon kay Pangulong Xi.


Ang naturang pag-uusap ay parang pagkukuwentuhan sa pagitan ng dalawang matalik na magkaibigan.


Sa katotohanan, nananatiling maganda ang bilateral na relasyon ng Tsina at Pilipinas at kanilang mga kooperasyon nitong 6 na taong nakalipas, lalo na sapul nang sumiklab ang epidemiya ng COVID-19, nagbigay-tulong nang malaki ang dalawang bansa sa isa’t isa. Ang mga ito ay lubos na nagpapatunay na ang Tsina ay tunay na kaibigan ng Pilipinas. Hindi malilimutan din ng mga mamamayang Tsino ang pagdamay at suporta ng mga Pilipino.



Halimbawa, pinataas ng dalawang bansa ang relasyon sa antas ng komprehensibo at estratehikong kooperasyon. Pinalalim ng dalawang bansa ang mga kooperasyon sa ilalim ng balangkas ng Belt and Road Initiative (BRI) at patakarang “Build Build Build”, lalo na sa larangan ng imprastruktura. Dinoble ang bolyum ng kalakalan ng dalawang bansa. Ayon sa datos ng Department of Trade and Industry (DTI), noong 2021, ang Tsina ay nananatili pa ring pinakamalaking trade partner ng Pilipinas. Ang kabuuang bolyum ng kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa ay umabot sa $38.34 bilyon, na lumaki ng 24.9% kumpara sa taong 2020.



Bilang tugon sa epidemiya ng COVID-19, ang Tsina ay unang bansa na nagkaloob ng mga bakuna sa Pilipinas. Ito’y nagbibigay tulong sa pamahalaan ng Pilipinas sa pangangalaga sa kaligtasan ng mga mamamayan. Si Pangulong Duterte mismo ang sumalubong sa pagdating ng unang pangkat ng bakuna ng Tsina sa Villamor Air Base sa Manila. Sinabi niyang ang pagkakaloob ng Tsina ng bakuna ay nagpapakita ng pagkakaibigan at pagkakaisa ng Pilipinas at Tsina.


Kaugnay nito, ipinalalagay ni Pangulong Duterte na ang Tsina ay tunay at mapagkakatiwalaang kaibigan ng Pilipinas. Sinabi niyang naramdaman ng mga mamamayang Pilipino ang kapakinabangan at pagbabago na dulot ng kooperasyon ng Pilipinas at Tsina. Pinasalamatan din niya, hindi lamang ang pagkakaloob ng Tsina ng mga bakuna sa Pilipinas, kundi ang mga kagamitang panaklolo na ibinigay ng Tsina sa mga kalamidad sa Pilipinas na gaya ng bagyo at lindol. Matatandaang noong Disyembre ng 2021, ibinigay ng Pamahalaang Tsino ang halos 10 libong toneladang bigas at $1milyong pondo para tulungan ang Pilipinas sa gawaing panaklolo at muling pagtatayo ng mga bahay kaugnay ng pananalasa ng bagyong Odette.



Gayunpaman kapwa ipinahayag ng mga lider ng Tsina at Pilipinas ang hangarin ng patuloy at maayos na paghawak sa isyu ng South China Sea (SCS). Ipinalalagay din nilang ang maayos na paghawak sa isyu ng SCS ay nagdulot ng aktuwal na kapakanan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa at mabisang nangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon. Ipinahayag ni Pangulong Xi na ang maayos na paghawak sa isyu ng SCS ay naglatag ng mahalagang pundasyon para sa mapagkaibigang kooperasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag naman ni Pangulong Duterte na nakahanda ang Pilipinas na maayos na hawakan, kasama ng panig Tsino, ang isyung ito para magsilbing huwaran sa mapayapang paglutas sa pagkakaiba.


Kaugnay ng nalalapit na halalang pampanguluhan ng Pilipinas sa darating na Mayo, ipinahayag pa rin ng Tsina ang hangarin sa pagpapaunlad ng mainam na relasyon sa Pilipinas. Idiniin ni Pangulong Xi na sustenable at matatag ang patakaran ng Tsina sa Pilipinas. Sabi niya, nakahanda ang Tsina na pasulungin, kasama ng Pilipinas, ang pag-unlad ng bilateral na relasyon.


Sa katotohanan, may malaking komong kapakanan at magandang kooperasyon ang dalawang bansa sa mga larangan na gaya ng pagpuksa sa epidemiya ng COVID-19, kalusugang pampubliko, imprastruktura, kalakalan at kultura. Sinabi ni Pangulong Xi na nakahanda ang Tsina na angkatin ang mas maraming produktong Pilipino at himukin ang pamumuhunan ng mas maraming bahay-kalakal ng Tsina sa Pilipinas. Ang mga ito ay nakakatulong talaga sa pagmomodernisa ng Pilipinas.


Palagiang iginigiit ng Tsina ang nagsasariling patakarang panlabas at hinding hindi nanghihimasok sa mga suliraning panloob ng ibang mga bansa. Sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, ang mga kooperasyon ng dalawang bansa ay hindi nakakapinsala sa kapakanan ng mga mamamayng Pilipino. Hindi rin iniharap ng Tsina ang anumang idinugtong na pasubali sa mga kooperasyon sa Pilipinas. Palagiang iginagalang ng Tsina ang kasaysayan at realistikong kalagayan ng Pilipinas.


Tulad ng alam ng lahat, mahaba ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina. Noon at ngayon, ang Tsina ay tunay na kaibigan ng Pilipinas. Sa hinaharap, mananatili pa ring tunay na kaibigan ng Pilipinas ang Tsina.


Sulat : Ernest

Pulido: Mac/Jade