Nag-usap Biyernes, Abril 15, 2022 sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Crown Prince Mohammed bin Salman Al Saud ng Saudi Arabia.
Saad ni Xi, binigyan ng panig Tsino ng priyoridad ang pagpapaunlad ng relasyon sa Saudi Arabia, at nakahandang magpunyagi, kasama ng panig Saudi Arabian, para walang humpay na palalimin ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng kapuwa panig, at ihatid ang mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
Aniya, sinusuportahan ng panig Tsino ang Green Middle East initiative ng Saudi Arabia, at winewelkam ang pagsali ng panig Saudi Arabian sa Global Development Initiative.
Inihayag naman ng crown prince ang kahandaan ng panig Saudi Arabian na palakasin ang pakikipag-ugnayan sa panig Tsino sa mataas na antas, lagdaan ang kasunduan sa sinerhiya ng Vision 2030 ng Saudi Arabia at Belt and Road Initiative ng Tsina, at palalimin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng kabuhaya’t kalakalan, transportasyon, imprastruktura, enerhiya at iba pa.
Salin: Vera
Pulido: Mac