Pagtatatag ng primera klaseng spacecraft launch site, inutos ng pangulong Tsino

2022-04-15 11:53:22  CMG
Share with:

Sa kanyang paglalakbay-suri nitong Martes, Abril 12, 2022 sa Wenchang Spacecraft Launch Site, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat buong sikap na itatag ang primera klaseng spacecraft launch site sa daigdig.

 


Sapul nang isaoperasyon ang naturang launch site, matagumpay nitong natapos ang isang serye ng mahahalagang misyong kinabibilangan ng paglulunsad ng space station core module Tianhe, Chang'e-5 lunar probe, at Tianwen-1 Mars probe.

 

Binigyan ni Xi ng lubos na pagpapahalaga ang natamong bunga ng launch site.

 

Bumisita rin siya sa launching tower at iba pang pasilidad.

 


Ipinagdiinan niyang ang Wenchang ay launch site para sa bagong henerasyong high thrust carrier rockets at bridgehead ng deep-space exploration ng bansa.

 

Dagdag niya, dapat pag-ukulan ng pansin ang frontier ng global space development at pangunahing pangangailangan ng industriyang pangkalawakan ng bansa, at komprehensibong pataasin ang kakayahan sa modernong paglulunsad na pangkalawakan.

 


Diin ni Xi, ayon sa nakatakdang iskedyul, matatapos sa kasalukuyang taon ang misyon ng pagtatatag ng space station ng Tsina, at ilulunsad din sa Wenchang ang Tianzhou-4 at Tianzhou-5 cargo crafts, at Wentian at Mengtian lab modules.

 

Hinimok niyang dapat buong ingat na magpunyagi, para maigarantiya ang tagumpay ng mga misyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac