Malamig na kalagayan ng relasyong Sino-Amerikano, dapat painitin sa pamamagitan ng diyalogo

2022-04-17 14:32:48  CRI
Share with:

Sa kanyang video speech sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-25 Harvard College China Forum nitong Sabado, Abril 16, 2022, ipinahayag ni Qin Gang, Embahador ng Tsina sa Amerika, na dapat painitin ng Tsina at Amerika ang malamig na kalagayan ng kanilang relasyon sa pamamagitan ng diyalogo.


Tinukoy ni Qin na sa kasalukuyan, nahaharap ang relasyong Sino-Amerikano sa napakahigpit at napakasalimuot na kalagayan.


Dapat aniyang magkaroon ng malawak, malalim, matapat, at bukas na diyalogo ang kapuwa panig upang uminit ang malamig na kalagayan ng relasyong Sino-Amerikano na di-angkop sa kapakanan ng dalawang bansa at taliwas sa mithiin ng kanilang mga mamamayan.


Umaasa si Qin na idudulot ng nasabing porum ang plano at kalutasan sa pagpawi ng mga di-pagkakaunawaan ng Tsina at Amerika.


Aniya, sana’y maging “ice breaker” ng relasyong Sino-Amerikano ang bawat kalahok sa porum.


Itinatag noong 1997, ang Harvard College China Forum ay ang pinakamalaki at may pinakamahabang kasaysayang simposyum tungkol sa relasyong Sino-Amerikano.


Idinaraos ito sa Harvard College tuwing Abril kada taon.


Salin: Lito

Pulido: Rhio