Amerika, pinakamalaking banta sa seguridad ng kalawakan — Ministring Panlabas ng Tsina

2022-04-14 16:18:57  CMG
Share with:

Ayon sa ulat na inilabas Martes, Abril 12, 2022 ng US Defense Intelligence Agency (DIA), walang humpay na lumalawak ang bilang ng mga intelligence, surveillance and reconnaissance (ISR) satellite ng Tsina, at pangalawa ito sa daigdig, kasunod ng Amerika.

 

Anang ulat, pag-aari ng People’s Liberation Army (PLA) ng Tsina ang halos kalahati ng mga ISR system sa daigdig, at ang karamihan sa mga ito ay maaaring magsagawa ng pagmomonitor, pagsubaybay at pagtarget sa Amerika at mga kaalyansa nito sa Indo-Pasipiko, maging sa buong mundo.

 

Sinabi pa nitong patuloy na idinedebelop at idinedeploy ng Tsina at Rusya ang mga laser weapon na maaaring sumalakay sa mga satellite ng Amerika.

 

Kaugnay nito, sinabi kahapon ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa kabila ng mga katotohanan, paulit-ulit na pinapalaganap ng Amerika ang umano’y “banta sa outer space” ng Tsina at Rusya.

Layon aniya ng Amerika na maghanap ng katuwiran para paunlarin ang sariling puwersang militar at palawakin ang hegemonya nito sa kalawakan.

 

Diin ni Zhao, ang layon ng pagsasarbey ng Tsina sa kalawakan ay tugunan ang pangangailangan ng bansa sa kabuhayan, lipunan, siyensiya’t teknolohiya, at seguridad.

 

Dapat agarang itigil aniya ng panig Amerikano ang pagpapalaganap ng umano’y “banta ng Tsina sa outer space,” at gawin ang kinakailangang ambag para sa pangangalaga sa pangmatagalang kapayapaan at seguridad ng kalawakan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio