Ngayong araw sa kasaysayan: Abril 18, 1955, idinaos ang Asian-African Conference o Bandung Conference

2022-04-18 14:25:37  CRI
Share with:

Mula noong Abril 18 hanggang 24, 1955, idinaos sa Bandung, Indonesia ang Asian-African Conference o Bandung Conference.

 

Abril 18, 1955, idinaos sa Bandung, Indonesia ang Asian-African Conference. Bumigkas ng talumpati sa seremonya ng pagbubukas si Sukarno, dating Pangulong Indones.

Ito ang unang malaking pandaigdigang pulong ng mga bansang Asyano at Aprikano na walang kalahok na bansang kolonista. Tinalakay dito ang tungkol sa aktuwal na kapakanan ng mga mamamayang Asyano at Aprikano.

 

Magkakasamang itinaguyod noong Disyembre 29, 1954 ng 5 bansang kinabibilangan ng Myanmar, Sri Lanka, India, Indonesia, at Pakistan ang Bandung Conference na nilahukan ng 29 na bansa.

 

Abril 24, 1955, ipininid sa Bandung ang Bandung Conference. Sa panahon ng pulong, nag-usap sina Carlos Romulo (sa kaliwa), kinatawang Pilipino, at Norman Cousins, mamamahayag na Amerikano.

Bukod sa nasabing 5 bansang tagapagtaguyod, kalahok sa pulong ang 18 bansang Asyano at 6 na bansang Aprikano na kinabibilangan ng Tsina, Pilipinas, Hapon, Biyetnam, Thailand, Ehipto, Ethiopia, Saudi Arabia, at iba pa.

 

Tinalakay sa pulong ang tungkol sa, pangunahin na, pagtatanggol ng kapayapaan, paghahanap ng pagsasarili ng nasyon, at pagpapaunlad ng kabuhayan na pawang pinahahalagahan ng iba’t-ibang bansa.

 

Pangunahing layon nitong pasulungin ang pagpapalitang pangkabuhayan at pangkultura sa pagitan ng mga bansang Asyano at Aprikano at magkakasamang pigilan ang coloniyalismo at new colonialism activities.

Dumalo sa pulong ang delegasyong Tsino na pinamunuan ni Zhou Enlai, dating Premyer ng Tsina. Sa panahon ng pulong, isinagawa ni Zhou ang mabungang diplomatikong aktibidad.

Pinamunuan noong Abril 18, 1955 ni Zhou Enlai, dating Premyer ng Tsina, ang delegasyong Tsino sa paglahok sa Bandung Conference. Zhou Enlai, habang bumibigkas ng talumpati sa pulong.

Sa kanyang talumpati sa pulong, iniharap ni Zhou ang prinsipyong “paghahanap ng komong palagay at pagsasa-isang-tabi ng hidwaan” kung saan natukoy ang komong pundasyon ng pagkakaisa at kooperasyon ng iba’t-ibang bansang Asyano at Aprikano at nalutas ang mga hidwaan sa isyu ng mapayapang pakikipamuhayan.

 

Sa “Pinal na Komunike ng Pulong ng Asya at Aprika” na pinagtibay sa pulong, napaloob nito ang mga pagkakasundo ng iba’t-ibang bansa sa mga aspektong gaya ng kooperasyong pangkabuhayan, kooperasyong pangkultura, karapatang pantao at sariling-determinasyon, isyu ng mga mamamayan sa teritoryo, at pagpapasulong ng kapayapaan at kooperasyong pandaigdig.

 

Sa “Deklarasyon ng Pagpapasulong ng Pandaigdigang Kapayapaan at Kooperasyon,” iniharap din ng nasabing komunike ang bantog na “Sampung Prinsipyo ng Bandung Conference.”

 

Delegasyon ng Saudi Arabia sa Bandung Conference.

Kabilang sa mga ito ay una, dapat igalang ang pundamental na karapatang pantao at layunin at prinsipyo ng “UN Charter”; ikalawa, dapat igalang ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng lahat ng bansa; ikatlo, dapat kilalanin ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng nasyon at lahi, at dapat kilalanin ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng bansa, malaki man o maliit; ikaapat, hindi dapat panghimasukan ang mga suliraning panloob ng ibang bansa; ikalima, dapat igalang ang karapatan ng bawat bansang magkaroon ng sarili o kolektibong depensa; ika-anim, hindi dapat gamitin ang kolektibong depensa para paglingkuran ang espesyal na kapakanan ng anumang malaking bansa, at hindi dapat ipataw ng anumang bansa ang presyur sa ibang bansa; ika-pito, hindi dapat gamitin ang bantang mapanalakay o dahas sa kabuuan ng teritoryo at pagsasariling pulitikal ng anumang bansa; ika-walo, dapat mapayapang lutasin ang lahat ng hidwaang pandaigdig alinsunod sa “UN Charter”; ika-siyam, dapat pasulungin ang kapakanan at kooperasyon ng isa’t-isa; ika-sampu, dapat igalang ang katarungan at obligasyong pandaigdig.

 

Abril 24, 1955, interesadong nanonood ang mga mamamayang Indones sa mga delegasyon ng iba’t-ibang bansa na kalahok sa Bandung Conference.

Ang mga ito ay nagsisilbing mahalagang ambag ng mga bansang Asyano at Aprikano para sa norma ng relasyong pandaigdig na naging milestone sa proseso ng kasaysayang pandaigdig.

 

Tanawin ng conference room ng Bandung Conference.

Tinatawag na “Bandung Spirit” ang diwang ipinakita sa nasabing pulong na magkaisa ang mga mamamayang Asyano at Aprikano, labanan ang imperiyalismo at koloniyalismo, hanapin ang kalayaan ng bansa, pangalagaan ang kapayapaang pandaigdig, at paunlarin ang mapagkaibigang kooperasyon ng iba’t-ibang bansa

 

Kasabay ng paggigiit ng pagbubukas sa labas, mapayapang pag-unlad, at pagtatayo ng maharmoniyang daigdig, kasalukuyang ibayo pang itinataguyod ng Tsina ang ideya ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.

 

Ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan ay pagpapamana at pagsusulong ng “Bandung Spirit.”

 

Layon nitong hanapin ang mga bagong nilalaman ng komong kapakanan at halaga ng buong sangkatauhan, at pasulungin ang kooperasyon ng iba’t-ibang bansa upang hanapin ang bagong landas sa pagharap ng iba’t-ibang uri ng hamon at pagsasakatuparan ng inklusibong kaunlaran.


Salin: Lito

Pulido: Mac

Photo Courtesy: VCG