Kita ng mga taga-nayong Tsino sa unang kuwarter ng 2022, matatag na lumaki

2022-04-19 10:31:45  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, patuloy at matatag na lumaki ang kita ng 500 milyong residente sa kanayunan ng bansa noong unang kuwarter ng 2022.

 

Anito, umabot sa 5,778 yuan Renminbi (RMB) o mahigit Php47,000 ang per capita disposable income ng mga taga-nayon, at ito ay mas malaki ng 7% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.


Salin: Lito

Pulido: Rhio