Panggugulo sa iba’t ibang sulok ng mundo, pagpapataw ng sangsyon sa mga kalaban sa pamamagitan ng hegemonyang pangkabuhaya’t pinansyal, pagbuo ng alyansa para sa isolasyong pulitikal… ito ang mga paraan ng Amerika kontra Rusya at tipikal na kilos sa pag-udyok ng sagupaan, at pagsira sa kaayusang pandaigdig.
Ang mga kilos na ito ay kapareho ng mga gawain ng kontra-bida sa pelikulang Harry Potter, na si Voldermort na gaya ng pagtitiwala sa kapangyarihan, pagbuo ng alyansa, pagsusulong ng karahasan, pagsasakripisyo ng buhay ng kakompetisyon para sa hegemonya at iba pa.
Graffiti sa kalye ng Iran
Sa mahigit 240 taong kasaysayan ng Amerika, mga 20 taon lamang itong hindi nakisangkot sa digmaan.
Bukod sa paglulunsad ng mga digmaan, hilig din ng Washington na magpataw ng mga sangsyon.
Ayon sa listahan ng Office of Foreign Assets Control (OFAC) ng Departamento ng Tesorarya ng Amerika, 912 lamang ang bilang ng mga pinatawan ng sangsyon ng Amerika noong taong 2000.
Pero, hanggang Oktubre ng 2021, ito ay tumaas sa 9,421 at patuloy pang tumataas.
Ang nasabing bilang ay may 933% na paglaki.
Upang sapilitang palaganapin ang sariling sistemang pulitikal at ideya, pinakiki-alamanan din ang Amerika ang mga suliraning panloob ng ibang bansa.
Bukod sa pananalakay na militar, inilunsad nito ang mga “color revolution,” at inudyukan ang kaguluhan sa ibang bansa.
Ang sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine ay ang pinakahuling halimbawa.
Sa kuwentong “Harry Potter,” ang paglapastangan at paghahangad sa ganap na kapangyarihan ay sanhi ng pagkawagsak ni Voldemort.
Sa katulad na paraan, kung ipagpapatuloy ng Amerika ang mga hegemonistikong kilos at aksyon sa pagpinsala sa kaayusang pandaigdig, matatamo nito ang pinsala at pagkawasak.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Tsina, umaasang igagalang ng Amerika ang kooperasyong panrehiyon ng Silangang Asya
Amerika, bansang may sistematikong paglapastangan sa karapatang pantao—MFA ng Tsina
Hindi dapat tumangging ipaliwanag ng Amerika ang biomilitar na aktibidad nito - Tsina
CMG Komentaryo: Paano ginawang sandata ng Amerika ang karapatang pantao
Ulat na nagbubunyag ng bumabangong rasismo kontra Asyano sa Amerika, inilabas