Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA) Huwebes, Abril 21, 2022, sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kasabay ng pagpapanumbalik ng kabuhayan at muling pagbubukas ng lipunan, pumasok na sa bagong yugto ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Aniya, ang mga tungkuling kinakaharap natin ngayon ay magkakasamang paglikha ng kinabukasan pagkatapos ng pandemiya, at muling pagbuo sa mas mabuting bagong normal.
Isinalaysay niyang pinaluwag na ng Pilipinas ang paglalakbay sa loob at labas ng bansa, iginarantiya ang ligtas na pagpapalitan ng mga tauhan, isinagawa ang pleksibleng hakbangin sa garantiyang pangkalusugan at panseguridad, at ipinatupad ang maraming kasunduan sa mutuwal na pagkilala sa bakuna.
Upang magkasamang malikha ang mas maunlad na kinabukasan, sinabi ni Pangulong Duterte na dapat isagawa ang responsible’t sustenableng aksyon.
Hinimok niya ang iba’t ibang panig sa rehiyon at buong mundo na sundin ang Deklarasyon ng Manila hinggil sa mapayapang pagresolba sa alitang pandaigdig, at huwag isagawa ang di-kinakailangang dahas.
Nanawagan din siyang palakasin ang South-South Cooperation, pangalagaan ang seguridad at kapayapaan sa rehiyon, at magkakapit-bisig na isakatuparan ang komong progreso, kasaganaan at kalusugan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio