Xi Jinping, bumigkas ng keynote speech sa 2022 BFA: pagkakaisa at pagtutulungan, ipinagdiinan

2022-04-21 11:32:43  CMG
Share with:


Sa kanyang talumpati kaninang umaga, Abril 21, 2022 sa seremonya ng pagbubukas ng 2022 taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA), sinabi Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang pagkakaisa at pagtutulungan ay pinakamaayos na paraan sa paglutas ng mga hamong pandaigdig na gaya ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at pagbangon ng kabuhayan.


 

Nanawagan siya sa iba’t ibang bansa na sumunod sa ayos ng panahon ng kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon at mutuwal na kapakinabangan para magkasamang makalikha ng mas magandang kinabukasan ng buong sangkatauhan.

 

Samantala, ipinaliwanag din ni Pangulong Xi ang mga paninindigang Tsino hinggil sa pangangalaga sa kapayapaan ng Asya, pagpapasulong ng kooperasyon at pagkakaisa ng Asya.

 

Sinabi pa ni Xi na mananatiling maganda ang tunguhin ng paglaki ng kabuhayang Tsino.

 

Ito aniya ay magkakaloob ng malakas na puwersa para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig at mas malawak na pamilihan para sa iba’t ibang bansa.

 

Idiniin niyang palagian at patuloy na igigiit ng Tsina ang landas ng mapayapang pag-unlad at patakarang reporma at pagbubukas sa labas.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio