Sa kanyang liham bilang sagot sa veteran professors ng University of Science and Technology Beijing, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang pananabik sa paghubog ng mas maraming talentong may mahusay na kakayahan, pagpapasulong sa bagong pag-unlad ng industriya ng bakal at asero, at berde’t mababang karbong pag-unlad.
Ang University of Science and Technology Beijing na itinatag noong 1952 ay kauna-unahang unibersidad ng industriya ng bakal at asero sa Tsina.
Sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng unibersidad, ipinadala ng 15 veteran professors ang liham kay Xi, upang isalaysay ang hinggil sa pag-unlad ng unibersidad, at ipahayag ang kani-kanilang determinasyon sa paghubog ng mas maraming propesyonal na talento para sa de-kalidad na pag-unlad ng industriya ng bakal at asero ng bansa.
Tinukoy ni Xi na ginawa ng naturang unibersidad ang positibong ambag sa pag-unlad ng industriya ng bakal at asero ng Tsina.
Umaasa aniya siyang patuloy na gagawin nila ang mas malaking ambag para sa pagpapasulong ng may-inobasyon, berde at mababang karbong pag-unlad ng industriyang ito, at pagtatatag ng malakas na bansa ng siyensiya’t teknolohiya.
Salin: Vera
Pulido: Mac