Tsina, pasusulungin ang digitalization at intellectualization ng pamahalaan

2022-04-20 15:52:35  CMG
Share with:


 

Pinanguluhan nitong Martes, Abril 19, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ika-25 pulong ng Central Commission for Deepening Overall Reform ng Communist Party of China.


Pinagtibay sa pulong na ito ang pagpapahigpit ng gawain ng digitalization at intellectualization ng pamahalaan.


Ipinahayag ni Xi na dapat malawak na gamitin ang digital technology sa mga gawaing administratibo at serbisyo ng pamahalaan.


Tinukoy ni Xi na ang digitalization at intellectualization ng pamahalaan ay naglalayong ipagkaloob ang mas maginhawang serbisyo para sa mga mamamayan, at pataasin ang kakayahan sa pangangasiwa sa mga suliranin sa iba’t ibang larangan.


Sa pulong na ito, pinagtibay din ang mga gawain na kinabibilangan ng pagpapasulong ng reporma sa sistemang piskal sa lebel na probinsyal.


Salin: Ernest

Pulido: Mac