Sa pamamagitan ng buong pagkakaisang pagsang-ayon, naihalal kahapon, Abril 22, 2022, bilang kinatawan sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng Tsina, sa botohang idinaos sa rehiyonal na kongreso ng CPC ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi.
Si Xi ay ini-nomina ng Komite Sentral ng CPC bilang kandidato sa kinatawan ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, at itinakda ang botohan sa electoral unit ng Guangxi.
Ayon sa pahayag na inilabas nauna rito ng Departamento ng Organisasyon ng Komite Sentral ng CPC, ang lahat ng 2,300 kinatawan sa Ika-20 Pambansang Kongreso ay ihahalal sa 38 electoral unit sa buong Tsina, at isasagawa ang halalan bago ang katapusan ng darating na Hunyo.
Sa karaniwan, idinaraos ng CPC ang pambansang kongreso nito kada limang taon. Nakatakdang idaos sa ikalawang hati ng taong ito ang Ika-20 Pambansang Kongreso.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos