Pagbati, ipina-abot ni Xi Jinping sa porum ng Ika-50 Anibersaryo ng Gamot sa Malaria na Artemisinin

2022-04-25 16:37:43  CMG
Share with:

Ipina-abot ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati sa pagbubukas ngayong araw, Abril 25, 2022 ng Internasyonal na Porum sa Ika-50 Anibersaryo ng Introduksyon ng Gamot sa Malaria na Artemisinin at Porum sa Pagpapasulong ng Pagtatatag ng Komunidad na May Pinagbabahaginang Kalusugan ng Sangkatauhan.

 

Tinukoy ni Xi na ang Artemisinin ay ang unang espesyal na gamot laban sa Malaria na natuklasan at matagumpay na nagawa sa Tsina.

 

Aniya, sa pamamagitan nito, komprehensibong napuksa ng Tsina ang sakit na Malaria nitong nakaraang 50 taon.

 

Aktibo rin aniyang pinapasulong ng Tsina ang promosyon ng Artemisinin sa buong daigdig, na nagbigay ng mahalagang ambag para sa pagpigil at paggamot ng Malaria sa buong mundo, at nangangalaga sa kalusugan ng buong sangkatauhan.

 

Binigyan-diin ni Xi na nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng komunidad ng dagidig, para pahigpitin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa larangan ng kalusugang pampubliko, magkakasamang harapin ang banta at hamon sa buong daigdig, pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kalusugan ng sangkatauhan, at ibigay ang mas malaking ambag para sa kalusugan ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio