Xi Jinping: Buuin ang mabuting kapaligiran para sa pagbabasa

2022-04-23 17:13:30  CMG
Share with:


Ngayong araw, Abril 23, 2022, ay World Book Day.

 

Sa araw na ito, ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa pagsisimula ng kauna-unahang pambansang kampanya ng pagbabasa sa Tsina, kung saan hinikayat niya ang buong lipunan na buuin ang mabuting kapaligiran para sa pagbabasa.

 

Sinabi ni Xi, na ang pagbabasa ay mahalagang paraan para sa mga tao, na magkaroon ng kaalaman at karunungan, at itaas ang sariling pamantayan sa moralidad.

 

Dagdag niya, mula pa noong sinaunang panahon, nahihilig ang mga Tsino sa pagbabasa, at nakatulong ito sa paghubog ng nasyong Tsino ng tiwala sa sarili at lakas ng loob.

 

Nanawagan din si Xi sa mga bata ng ugaliin ang pagbabasa, para maging mas malusog at maligaya sa pamumuhay.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos