Nag-usap sa telepono nitong Martes, Marso 29, 2022 si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at kanyang counterpart na si Emmanuel Macron ng Pransya, para talakayin ang isyu ng Ukraine.
Ayon sa ulat ng website ng Kremlin, inilahad ni Putin kay Macron ang mga hakbangin ng tropang Ruso para sa pangkagipitang makataong tulong at ligtas na paglilikas ng mga mamamayan mula sa Ukraine.
Tinalakay naman ng dalawang lider ang hinggil sa kapasiyahan ng Rusya na baguhin ang pagbabayad sa rubles para sa pagsuplay ng mga langis sa ilang bansa na kinabibilangan ng mga bansa ng Unyong Europeo.
Ayon sa ulat ng website ng Palasyong Pampanguluhan ng Pransya, hiniling ni Marcon kay Putin na ilikas ang mga residente ng Mariupol, lunsod sa dakong timog silangan ng Ukraine.
Salin: Ernest
Pulido: Mac