Nitong Abril 24, 2022, muling nagwagi sa halalang pampanguluhan si Emmanuel Macron, kasalukuyang pangulo ng Pransya.
Bilang sentral na bansa ng Unyong Europeo (EU), laging pinapasulong ng Pransya ang integrasyon ng Europa at paggigiit sa nagsasariling estratehiya.
Sa proseso ng kanyang pangangampanya, inihayag ni Macron na ipagpapatuloy niya ang mga patakaran sa kanyang unang termino, at bubuuin ang mas nagsasariling bansa. Ito ay nakita sa kung paanong hawakan ang alitan sa interes nila ng Amerika sa isyu ng Ukriane.
Ang sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine ay pinakagrabeng krisis na kinakaharap ng Europa sapul nang sumiklab ang World War II.
Sa ilalim ng pag-udyok ng Amerika, walang humpay na pinag-ibayo ng Europa ang sangsyon laban sa Rusya, at unti-unting lumilitaw ang ganting negatibong epekto na dulot nito.
Sa pamamagitan ng mga kilos ng Amerika na gaya ng panggigipit sa mga kompanyang Europeo sa pamamagitan ng long arm jurisdiction, pagpapataw ng karagdagang taripa sa mga panindang Europeo sa ngalan ng “pambansang seguridad,” unilateral na pagpapaurong ng tropa mula sa Afghanistan ng hindi ipinapaalam sa mga kaalyansa at iba pa, malinaw na narealisa ang Europa na kung may alitan ang mga kapakanan ng Amerika at Europa, walang pag-aalinlangang tatalikuran ng Amerika ang mga kaalyansa.
Dapat gawin ng Europa ang makatarungang desisyon din sa isyu ng relasyon sa Tsina.
Kinakailangan ng daigdig ang Europa na maaaring magpasiya ng sariling estratehiya, at kailangang patingkarin naman ng Europa ang mas maraming katatagan at katiyakan para sa nagbabagong daigdig.
Salin: Vera
Pulido: Mac