400 diplomata ng Rusya, pinaalis mula sa 28 bansang kanluranin

2022-04-26 17:03:43  CMG
Share with:

Ayon sa ulat nitong Abril 25, 2022, ng Sputnik News Agency & Radio ng Rusya, sinabi ni Yevgeny Ivanov, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Rusya, na pinaalis ang halos 400 diplomata ng Rusya mula sa 28 bansang kanluranin sapul nang isagawa ng Rusya ang aksyong militar sa Ukraine.

 

Sinabi rin ni Ivanov na ang pagpapatalsik sa mga naturang diplomata ay naging isang paraan ng pagpapataw ng sangsyon ng mga bansang kanluranin, at hindi ito nagsimula nitong Pebrero 23, ngunit isinagawa ng mas maaga.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac