Guterres at Putin, magtatagpo sa Moscow

2022-04-24 16:19:19  CMG
Share with:

Magtatagpo Abril 26, 2022, sa Moscow, kabisera ng Rusya, sina Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN) at Pangulong Vladmir Putin ng Rusya.

 

Ito ang ipinahayag Abril 22, 2022, ni Stephane Dujarric, Tagpagsalita ni Guterres.

 


Aniya, sa araw ring iyon, makikipagtagpo rin si Guterres kay Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya.

 

Sa kanyang liham na magkakahiwalay na ipinadala kamakailan sa pirmihang delegasyon ng Rusya at Ukraine sa UN, sinabi ni Guterres na nais niyang magtungo sa naturang dalawang bansa at magkahiwalay na makipagtagpo sa mga pangulo nito para talakayin ang pagpapasulong sa pagsasakatuparan ng kapayapaan at iba pang isyu.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio