Pangulo ng Ukraine at Turkey, nag-usap: kalagayan ng digmaan sa Ukraine, tinalakay

2022-04-25 15:30:50  CMG
Share with:

 

Sa pag-uusap sa telepono Abril 24, 2022 nina Pangulong Volodymyr Zelensky ng Ukraine at kanyang counterpart na si Recep Tayyip Erdogan ng Turkey, sinabi ni Zelensky na dapat agarang ilikas ang mga mamamayan sa lunsod ng Mariupol at Azovstal Steel Plant.

 

Ayon sa pahayag ng Tanggapan ng Pangulo ng Ukraine nang araw ring iyon, walang-tigil na binobomba ng mga tropang Ruso ang Azovstal Steel Plant kung saan nagkukubli ang mga natitirang sundalo ng Ukraine at iba pang sibilyan.

 

Anito, nananawagan ang Ukraine sa Rusya na buksan ang humanitarian corridor para mailikas ang mga sibilyan mula sa Mariupol.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio