Rusya, umaasang mararating ang kasunduang pangkapayapaan kasama ang Ukraine

2022-04-27 16:52:09  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-uusap Abril 26, 2022, sa Moscow kay Pangkalahatang Kalihim António Guterres ng United Nations (UN), ipinahayag ni Pangulong Vladmir Putin ng Rusya, na hindi niya tatanggihan ang talastasang pangkapayapaan sa Ukraine, at umaasa siyang mararating ang kasunduan sa diplomatikong paraan.

 

Si Pangulong Vladmir Putin ng Rusya (file photo)


Samantala, inulit ni Guterres ang paninindigan ng UN sa isyu ng Ukraine, at tinalakay ng dalawang panig ang mungkahi hinggil sa makataong tulong at paglilikas ng mga mamamayan mula sa lunsod ng Mariupol.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio