Ayon sa pahayag na ipinalabas nitong Abril 27, 2022, sa opisyal na website ng Ministring Panlabas ng Rusya, ipinasiya ng bansa na tumiwalag mula sa United Nations World Tourism Organization (UNWTO).
Nauna rito, idinaos nang araw rin iyon sa Madrid, Espanya, ng UNWTO ang espesyal na pulong.
Ang isa sa mga pangunahing naging tema ay pansamantalang pagtitigil o pagsuspinde sa kuwalipikasyon ng Rusya bilang miyembro ng organisasyong ito.
Bilang reaksyon, iniharap ng Rusya ang intensyon ng pag-alis sa UNWTO pagkatapos magsimula ng pulong.
Ayon sa kinauukulang regulasyon, 1 taon ang kailangan para sa buong proseso ng pag-alis ng miyembro mula sa UNWTO.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio