Ipinahayag nitong Abril 29, 2022, ni Manasseh Sogavare, Punong Ministro ng Solomon Islands, na kailangan ng kanyang bansa ang kasunduang panseguridad sa Tsina, dahil “hindi sapat” ang kasunduan sa Australia.
Aniya, di magiging bahagi ang Solomon Islands sa anumang militarisasyon ng Pasipiko dahil alam nito ang kapalit ng digmaan.
Bukod dito, binatikos ni Sogavare ang pagsali ng Australia sa AUKUS defense alliance, kasama ng Amerika at Britanya, ng hindi kinukunsulta ang mga bansang Pasipiko.
Kaugnay nito, sinabi nitong Mayo 5, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang naturang mga pananalita ni PM Sogavare ay nagpapakita ng komong palagay ng mga bansang isla ng Pasipiko.
Pinatutunayan din ng pahayag ni Sogavare na ang pagbatikos ng Amerika at Australia sa Tsina ay purong double standard.
Isinasagawa ng Tsina at Solomon Islands ang normal na kooperasyong panseguridad. Ibang iba ito kumpara sa aksyon ng ilang bansa na lumilikha ng tensyon sa rehiyon sa pamamagitan ng pagbuo ng mga alyansa na nagbubunsod ng arms race, pinaiigting ang pagtaas ng bantang nuklear at tunggalian ng mga paksyon.
Salin:Sarah
Pulido:Mac