Isang serye ng mga paborableng patakaran ang inilunsad ng Tsina para mapasigla ang konsumo ng sasakyang de motor na gamit ang bagong enerhiya, na gaya ng pagbibigay-subsidy sa pagbili at pag-charge.
Sa ilalim ng pagsuporta ng marami at iba’t ibang uri ng patakaran, noong 2021, mahigit 1 milyong sasakyang de motor na gamit ang bagong enerhiya ang ibinenta sa pamilihan ng kanayunan ng bansa, at ito ay lumaki ng 1.7 ulit kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Ayon sa pagtaya, patuloy na tataas ang bilang na ito sa kasalukuyang taon.
Salin: Vera
Pulido: Mac