Nanunungkulan sa taong 2022 ang Tsina bilang tagapangulong bansa ng BRICS (Brazil, Russia, India,China at South Africa ). At idaraos ang Ika-14 na Pagtatagpo ng lider ng mga bansa ng BRICS sa taong ito.
Sa kanyang talumpati na binigkas sa Ika-11 Pagtatagpo ng Lider ng mga bansa ng BRICS na idinaos noong Nobyembre 14, 2019, sa Brazil, binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat lubos na ipakita ng mga bansa ng BRICS ang responsibilidad, pasulungin ang multilateralismo, para likhain ang mapayapa at ligtas na kapaligiran.
Ang talumpati ni Pangulong Xi ay tumukoy ng direksyon para sa kooperasyon ng mga bansa ng BRICS.
Sa taong 2022, lubos na inaasahan ng Tsina na magkakasamang magsisikap ang iba’t ibang kinauukulang panig para likhain ang ikalawang “golden decade” ng kooperasyon ng BRICS.
Salin:Sarah
Pulido:Mac