Pag-aangkat ng langis sa Rusya, unti-unting babawasan ng G7

2022-05-09 15:36:29  CMG
Share with:

Matapos ang pulong sa pamamagitan ng video kasama si Pangulong Volodymyr Zelensky ng Ukraine, ipinahayag ng G7 Mayo 8, 2022 na unti-unting huhulagpos ang mga miyembro nito sa pagkadepende sa langis mula sa Rusya.

 


Anito, ipagbabawal o hahadalangan ng G7 ang pagkakaloob ng mga “masusing serbisyo” sa Rusya, palalakasin ang sangsyon sa mga oligarkong Ruso, at lalo pang hihigpitan ang mga bangko ng Rusya.

 

Sinabi rin ng G7 na patuloy itong magkakaloob ng tulong sa Ukraine.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio