Xi Jinping, bumigkas ng talumpati sa pulong bilang pagdiriwang sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng CYLC

2022-05-10 14:30:59  CMG
Share with:

Idinaos ngayong araw, Mayo 10, 2022 sa Great Hall of the People sa Beijing ang pulong bilang pagdiriwang sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Communist Youth League of China (CYLC). Dumalo sa pulong na ito si Xi Jinping, Pangulong Tsino at Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at bumigkas siya ng mahalagang talumpati sa pulong na ito.


Sa ngalan ng Komite Sentral ng CPC, bumati si Xi sa lahat ng mga miyembro ng CYLC at mga organo ng CYLC sa iba’t ibang antas. Sinabi ni Xi na nitong 100 taong nakalipas, inorganisa ng CYLC ang mga kabataang Tsino para magpunyagi para sa pagsasarili ng Nasyong Tsino at pag-unlad ng bansang Tsina.


Tinukoy ni Xi na bilang tugon sa usapin ng pag-unlad ng Tsina sa hinaharap, dapat gumanap ang CYLC ng mas mabisang papel sa pag-organisa at pamumuno ng mga kabataang Tsino para itatag ang isang mas magandang bansang Tsina.


Inilahad din ni Xi ang mga pangunahing gawain ng CYLC sa hinaharap.


Salin: Ernest

Pulido: Mac