Nagsasarili at mabilis na pagdaong ng Tianzhou-4 cargo spacecraft sa space station ng Tsina, matagumpay

2022-05-10 14:58:04  CMG
Share with:

Ayon sa impormasyon ng China Manned Space Agency, matagumpay na dumaong Martes ng umaga, Mayo 10, 2022 ang Tianzhou-4 cargo spacecraft ng Tsina sa orbiting space station ng bansa, para dalhin ang mga suplay.

 


Ayon sa salaysay, ang nasabing cargo spacecraft ay may lulang mga suplay sa tatlong kategorya, na kinabibilangan ng mga living supplies para sa 6 na buwang pananatilli sa kalawakan ng tatlong astronaut ng Shenzhou-14 spacecraft, spare parts para sa space station maintenance, at mga pasilidad para sa pananaliksik sa kalawakan.

 

Ilulunsad sa Hunyo ng taong ito ang Shenzhou-14 spacecraft na may lulang tatlong taikounaut. Mamamalagi sila sa orbiting space station ng 6 na buwan.

 

Samantala, matatapos ang konstruksyon ng space station ng Tsina sa loob ng kasalukuyang taon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac