Ayon sa pahayag ng China Manned Space Engineering Office (CMSEO) kahapon, Abril 17, 2022, kasalukuyang nagsasanay ang mga space crew ng Shenzhou-14 at Shenzhou-15 manned spacecraft.
Ayon sa plano, matatapos ng Tsina ang pagtatayo ng space station sa orbit bago ang katapusan ng taong ito. Ang mga crews ng Shenzhou-14 at Shenzhou-15 ay magkahiwalay na titira roon ng 6 na buwan.
Dahil dito, isasagawa rin ng Tsina ang 6 na spacecraft missions para sa pagtatayo ng space station at paghahatid ng mga astronauts sa space station.
Idiniin ni Hao Chun, Direktor ng CMSEO, na palagiang ginagamit ng Tsina ang kalawakan sa prinsipyo ng kapayapaan, patas at mutuwal na kapakinabangan. Nakahanda aniya ang Tsina na isagawa ang malalim na kooperasyon at pagpapalitan sa ibang mga bansa na mapayapang paggamit ng kalawakan.
Salin: Ernest
Pulido: Mac