Mga taikonaut ng Shenzhou-13, bumalik sa mundo pagkaraan ng anim na buwang misyon sa kalawakan

2022-04-16 12:53:30  CMG
Share with:

 

Ligtas na bumalik sa planetang mundo, ngayong umaga, Abril 16, 2022, ang return capsule ng Shenzhou-13 spacecraft ng Tsina, na may lulang tatlong taikonaut na sina Zhai Zhigang, Wang Yaping at Ye Guangfu.

 

Ang mga taikonaut ay nagsagawa ng anim na buwang misyon sa kalawakan, na pinakamatagal sa kasaysayan ng Tsina.

 


Humiwalay kaninang madaling araw mula sa core module ng itinatayong space station ng Tsina, lumipad ng mahigit sa siyam na oras ang return capsule, bago ito lumapag sa Dongfeng landing site sa Inner Mongolia Autonomous Region sa hilagang bahagi ng Tsina.

 


Pagkaraang kumpirmahin ng on-site na grupong medikal ang mabuting kondisyon ng lahat ng tatlong taikonaut, ipinatalastas ng Tsina ang ganap na tagumpay ng Shenzhou-13 mission.


 

Sa anim na buwang pananatili sa kalawakan, matagumpay na sinubok ng crew ang mga pangunahing teknolohiya para sa konstruskyon ng space station, na gaya ng in-orbit transposition ng spacecraft at pagpapatakbo ng robotic arm kasama ng mabibigat na kargo. Layon nitong dagdagan ang karanasan para sa susunod na in-orbit assembly at pagtatayo ng space station.

 

Isinagawa rin ng crew ang dalawang spacewalk, na kinabibilangan ng isa noong Nobyembre 7, 2021, kung saan si Wang Yaping ay naging unang babaeng taikonaut na nagsagawa ng spacewalk.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos