Pagbati, ipinahayag ni Xi Jinping sa panalo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa halalang pampanguluhan ng Pilipinas

2022-05-12 16:14:09  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng telepono, Mayo 11, 2022, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang pagkapanalo sa halalang pampanguluhan ng Pilipinas.

 

Tinukoy ni Xi na ang Tsina at Pilipinas ay magkaibigang kapitbansa.

 

Sa kasalukuyan, nasa masusing yugto aniya ang pag-unlad ng dalawang bansa, at kinakaharap ng relasyon ng dalawang bansa ang mahalagang pagkakataon at malawak na prospek.

 

Binigyang-diin ni Xi, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino, kaya naman nakahanda siyang magsikap, kasama ni Marcos, para malalim na pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa at idulot ang benepisyo sa mga mamamayan ng Tsina at Pilipinas.

 

Bukod dito, ipina-abot din nang araw rin iyon ni Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina ang kanyang pagbati kay Sara “Inday” Duterte-Carpio sa kanyang pagkapanalo bilang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio