Tsina, binati ang maayos na pagdaraos ng pambansang halalan ng Pilipinas

2022-05-11 09:36:43  CMG
Share with:

 

Ipinahayag nitong Martes, Mayo 10, 2022 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na binabati ng panig Tsino ang maayos na pagdaraos ng pambansang halalan ng Pilipinas nitong Lunes, Mayo 9.

 

Sinabi rin niyang binabati rin ng Tsina ang mga kandidato na nangunguna ngayon sa bilangan ng boto.

 

Ipinahayag din ni Zhao na umaasa at nananalig ang panig Tsino na patuloy na magkakaisa ang iba’t ibang paksyong pulitikal ng Pilipinas para buong sikap na mapasulong ang pag-unlad at pag-ahon ng bansang Pilipinas.


Salin: Ernest

Pulido: Mac