Polisiya ng Dynamic zero-COVID, nangangalaga sa kalusugan sa pinakamataas na digri

2022-05-12 14:44:19  CMG
Share with:

Kaugnay ng ilang komento ni Direktor-Heneral Tedros Adhanom Ghebreyesus ng World Health Organization (WHO) tungkol sa dynamic zero-COVID policy ng Tsina, ipinagdiinan nitong Miyerkules, Mayo 11, 2022 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na layon ng naturang patakaran na pangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan sa pinakamataas na digri.

 

Umaasa aniya siyang pag-aaralan ni Ghebreyesus ang mga katotohanan hinggil sa patakaran ng Tsina sa COVID-19, at huwag gawin ang iresponsableng komento.

 

Nanawagan si Zhao sa mga kaukulang panig na obdyektibo’t makatuwirang pakitunguhan ang mga hakbangin ng bansa sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya.

 

Sa pamamagitan ng dynamic zero-COVID policy, mabisang pinangangalagaan ng Tsina ang matatanda at mahinang grupo na may problema sa kondisyong pangkalusugan, dagdag niya.

 

Aniya pa, malalampasan ng mga patakaran at hakbangin ng pamahalaang Tsino sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ang pagsubok ng kasaysayan, dahil sa pagiging siyentipiko at mabisa ng mga ito.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio