CMG Komentaryo: Seguridad ng Europa, dapat mismong pamahalaan ng Europa

2022-05-12 15:55:48  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo kina Chancellor Olaf Scholz ng Alemanya at Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya nitong Mayo 9 at 10, kapuwa ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kinakatigan ng Tsina ang paghawak ng mga bansang Europeo sa sariling seguridad.


Sa kasalukuyan, walang humpay na isinasagawa ng mga bansang Europeo ang sangsyon sa Rusya dahil sa pagkatig ng Amerika.


Sa kabilang dako, ang usapin sa seguridad ng enerhiya na dulot ng mga sangsyon ay nagresulta sa pagtaas ng presyo ng mga paninda, pagdaragdag ng gastusin ng mga bahay-kalakal, at paghina ng kakayahang kompetetibo ng mga Industriya ng Europa.


Ang mga ito ay nakakapinsala sa kapakanan ng mga bansang Europeo.


Sa katotohanan, ang pagpigil sa indipendiyenteng pag-unlad ng Europa ay isang mahalagang target ng Amerika kaugnay ng sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine.


Dapat ipauna ng mga bansang Europeo ang sariling pambansang kapakanan at pangmatagalang kapayapaan.


Upang ito ay maisakatuparan, kailangan nilang hanapin ang landas tungo sa pangmatagalang mapayapang pakikipamuhayan sa Rusya, sa halip na maging kasangkapan ng Amerika sa pangangalaga sa sariling kapakanan at hegemonya.