Seguridad ng mga Tsino sa Pakistan, tinalakay

2022-05-12 15:53:24  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, nag-usap Miyerkules, Mayo 11, 2022 sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Bilawal Bhutto Zardari, Ministrong Panlabas ng Pakistan, para talakayin ang seguridad ng mga Tsino sa Pakistan.



Ani Wang, nababahala ang pamahalaang Tsino sa mga nangyaring pag-atake sa mga mamamayang Tsino sa Pakistan kamakailan.


Umaasa aniya siyang pabibilisin ng Pakistan ang pag-implementa ng mga plano para aktuwal na igarantiya ang seguridad ng mga mamamayan, organisasyon at proyekto ng Tsina sa Pakistan at pigilan ang muling pagkaganap ng nasabing mga insidente.


Ipinahayag naman ni Bilawal na matinding kinonkodena ng Pakistan ang mga pag-atake sa mga Tsino.


Ang Tsina ay matalik na kaibigan ng Pakistan at buong sikap na pipigilan ang pagsira ng nasabing mga insidente sa pagkakaibigan ng dalawang bansa, diin niya.


Nakahanda aniya ang Pakistan na pataasin ang kakayahan sa paglaban sa terorismo para igarantiya ang kaligtasan ng mga mamamayang Tsino sa bansa.