May tubig ang Mars, napatunayan ng rover ng Tsina

2022-05-13 14:38:23  CMG
Share with:

Natuklasan ng mga siyentipikong Tsino ang bagong ebidensyang nagpapatunay na may tubig ang Mars noon, at mayroon ding hydrated minerals sa Pulang Planeta.

 


Ang pananaliksik na inilabas nitong Huwebes, Mayo 12, 2022 sa magasing Science Advances ay ginawa ng mga mananaliksik ng National Space Science Center ng Chinese Academy of Sciences batay sa mga datos na kinolekta ng Mars rover Zhurong ng Tsina sa sedimentary at mineral characteristics ng timog Utopia Planitia, isang malawak na kapatagan sa northern hemisphere ng Mars.

 

Ipinakikita ng pananaliksik na may liquid water noong panahon ng Amazonian epoch, pinakahuling geologic epoch, sa isang malaking impact basin sa Mars.

 

Salamat sa naturang pananaliksik, parami nang paraming palatandaan ang nagpapakitang posibleng mas matagal ng may liquid water sa Mars kaysa naunang inaakala.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac