Pagkansela ng Amerika ng karagdagang taripa sa Tsina, makakabuti sa Amerika, Tsina at buong daigdig

2022-05-13 15:47:01  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagsisimula ng Office of the United States Trade Representative (USTR) ng muling pagsusuri sa pagdaragdag ng taripa sa Tsina, ipinahayag nitong Mayo 12, 2022, ni Shu Jueting, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo (MOC) ng Tsina, na sa background ng mataas na inplasyon sa buong daigdig, ang pagkansela ng Amerika ng karagdagang taripa sa Tsina ay angkop sa pundamental na kapakanan ng mga mamimili at kompanya ng Amerika, ito rin ay makakabuti sa Tsina at buong mundo.

 

Sa kasalukuyan, napapanatili ng Tsina at Amerika ang normal na komunikasyon hinggil dito, ani Shu.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac