Tsina sa Amerika: Huwag maglaro ng apoy sa isyung may kinalaman sa nukleong interes ng Tsina

2022-05-13 14:21:17  CMG
Share with:

Ayon sa ulat, sinabi nitong Miyerkules, Mayo 11, 2022 ni Kurt Campbell, Koordinator para sa mga Suliranin ng Indo-Pasipiko ng National Security Council ng Amerika, na tatalakayin sa gaganaping summit ng Amerika at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang mga paksang may kinalaman sa Tsina.

 

Aniya, patuloy na iginigiit ng Amerika ang patakarang Isang Tsina, at hindi sinusuportahan ang pagsasarili ng Taiwan, pero umaasa ring liliwanagin ang kagustuhang pigilan ang mga probokatibong hakbang.

 

Bilang tugon, hinimok nitong Huwebes ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang panig Amerikano na huwag gamitin ang kooperasyon upang papiliin ng papanigan, at huwag maglaro ng apoy sa isyung may kinalaman sa nukleong interes ng Tsina.

 

Aniya, ipinalalagay ng Tsina na bilang bansa sa labas ng rehiyon, dapat patingkarin ng Amerika ang positibo’t konstruktibong papel para sa kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon, sa halip na makapinsala sa kapayapaan, katatagan, pagkakaisa at pagtutulungan ng rehiyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac