Kaugnay ng pagsusog kamakailan ng website ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ng mga katotohanang may kinalaman sa relasyon nila ng Taiwan, ipinagdiinan nitong Martes, Mayo 10, 2022 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na di-magbabago ang kasaysayan, di-mapabubulaanan ang katotohanan, at di mapipilipit ang tama at mali.
Tinukoy ni Zhao na iisa lang ang Tsina sa daigdig, ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina, at ang pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina ay ang siyang tanging lehitimong pamahalaan ng Tsina.
Ito aniya ay unibersal na komong palagay at norma ng relasyong pandaigdig na kinikilala ng komunidad ng daigdig.
Salin: Vera
Pulido: Mac