Kaugnay ng idinaos na espesyal na summit ng Amerika at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), sinabi kahapon, Mayo 13, 2022, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bilang mga bansa sa Asya-Pasipiko, puwedeng magkaroon ang Tsina at Amerika ng komong mga kaibigan sa rehiyon.
Tinukoy ni Zhao, na hindi inaasam ng Tsina at ASEAN ang zero-sum game, at hindi rin pinasusulong ng dalawang panig ang bloc confrontation.
Tinatanggap aniya ng Tsina ang anumang inisyatiba sa kooperasyon na makakabuti sa pangmatagalang kaunlaran at komong kasaganaan sa Asya-Pasipiko.
Dagdag ni Zhao, ang susi sa pagpapaunlad ng relasyon sa mga bansa sa rehiyong ito ay pakikinig sa kanilang hangarin para sa pangangalaga ng kapayapaan, pagpapalalim ng kooperasyon, at pagsasakatuparan ng komong pag-unlad.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos