Ayon sa estadistika na inilabas nitong Lunes, Mayo 9, 2022 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, ang bolyum ng kalakalang panlabas ng bansa mula Enero hanggang Abril ng taong ito ay umabot sa 12.58 trilyong yuan RMB na lumaki ng 7.9% kumpara sa gayung ding panahon ng taong 2021.
Sa mga trade partner ng Tsina, ang bolyum ng kalakalan sa ASEAN ay umabot sa 1.84 trilyong yaun RMB na lumaki ng 7.2% kumpara sa taong 2021. Ang ASEAN ay pinakamalaking trade partner ng Tsina.
Bukod dito, ang kabuuang bolyum ng kalakalan ng Tsina sa mga bansa sa paligid ng Belt and Road ay umabot sa 3.97 trilyong yuan RMB na lumaki ng 15.4%. Ang kabuuang bolyum ng kalakalan ng Tsina sa ibang 14 na kasaping bansa ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ay umabot sa 3.84 trilyong yuan RMB na lumaki ng 3.9%.